
Marso 20, 2025 | 7:30 AM GMT+08:00
Magandang balita para sa mga Filipino travelers! Inanunsyo ng Embahada ng Japan sa Pilipinas na hindi na kailangan magbayad ng visa ang mga turistang Pilipino na planong bumisita sa Japan. Ito ay isang malaking hakbang upang gawing mas magaan ang proseso ng pagbisita ng mga Pilipino sa bansang Japan.
Kasabay ng anunsyo ng visa-free entry, ipinahayag din ng Japan Embassy na magkakaroon ng limang bagong visa centers dito sa Pilipinas sa ika-pito ng Abril. Kabilang sa mga bagong lokasyon ang Cebu, Davao, Makati, Parañaque, at Quezon City, na magpapadali ng proseso para sa mga nais mag-apply ng visa.
Bagama’t magiging visa-free ang entry para sa mga turista, kailangan pa rin magbayad ng center usage fee na 520 pesos. Kung nais ng mga turista na mag-avail ng karagdagang serbisyo, may mga karagdagang bayarin na naaayon sa mga serbisyong kanilang pipiliin.
Ang bagong sistema ay magiging isang malaking tulong sa pagpapalakas ng turismo sa pagitan ng Pilipinas at Japan, at magbibigay ng mas maraming oportunidad para sa mga Filipino na makapaglakbay at mag-explore sa Japan nang hindi na kinakailangang dumaan sa mahaba at magastos na visa application process.