Home » Senado, Nagkagirian sa Schedule ng Impeachment ni VP Duterte

Senado, Nagkagirian sa Schedule ng Impeachment ni VP Duterte

by GNN News
0 comments

Bago ang nakatakdang pag-convene ng Senado bilang impeachment court sa June 11, naghain ng mosyon ang Senate Minority bloc nitong Lunes upang simulan na agad ang paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa pagbubukas ng sesyon, hiniling ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na suspindihin muna ang mga regular na legislative business upang himukin si Senate President Francis Escudero na agad nang mag-convene bilang impeachment court, alinsunod sa Article XI, Section 3, Paragraph 4 ng 1987 Constitution.

Sinuportahan ito ni Senator Risa Hontiveros, at ipinaliwanag na mas naaayon ang maagang pag-convene sa kahulugan ng “forthwith” sa Saligang Batas.

Ngunit ayon kay Senate Majority Leader Francis Tolentino, hindi maaaring itawid ang impeachment sa susunod na Kongreso dahil hindi ito isang “continuing body.” Inihain niya ang Senate Resolution No. 1367, na layong tapusin ang paglilitis sa loob ng nalalabing 19 araw ng 19th Congress.

Kinontra naman ito ni Hontiveros, iginiit na ang impeachment ay isang non-legislative function kaya’t hindi ito sakop ng pagbabago ng Kongreso. Nanindigan si Escudero na tatawid ang proseso sa 20th Congress.

Kasunod ng matagal na debate, nagmosyon si Sen. Joel Villanueva para pormal nang manumpa si SP Escudero bilang presiding officer, habang ang mga senator-judges ay manunumpa sa Martes.

Sa labas ng gusali ng Senado, nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang grupo na pinangunahan ni Rep. Leila De Lima, na nanawagan ng agarang impeachment bago matapos ang kasalukuyang Kongreso.

You may also like

Leave a Comment