Home » Impeachment Court Has Jurisdiction, Says Escudero

Impeachment Court Has Jurisdiction, Says Escudero

by GNN News
0 comments

Nilinaw ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na nananatili pa rin ang hurisdiksyon ng Senate Impeachment Court sa kasong isinampa laban kay Vice President Sara Duterte, kahit na ito ay ibinalik sa House of Representatives nitong Miyerkules.

Ito ay matapos ipasa ang mosyon ni Sen. Alan Peter Cayetano, na pinagbotohan sa plenaryo nitong Martes. Ayon kay Escudero, malinaw ang nakasaad sa mosyon na ang kaso ay ibinabalik “without dismissing at without terminating”, kaya’t patuloy pa rin ang bisa ng impeachment court.

Dagdag ni Escudero, bilang presiding officer, hindi niya maaaring pilitin ang bawat senador kung paano nila iintindihin ang impormasyon. Tanging ang korte lamang, aniya, ang may kapangyarihang humusga kung ang mga naging aksyon ay legal at naaayon sa konstitusyon.

Kabilang sa mga patunay na aktibo pa rin ang proseso ay ang pag-isyu ng writ of summons sa bise presidente. Ito ay bahagi ng constitutional duty ng mga senator judges, ayon pa sa kanya.


You may also like

Leave a Comment