Home » Impeachment Case Kay VP Duterte, Ibinalik Sa Kamara

Impeachment Case Kay VP Duterte, Ibinalik Sa Kamara

by GNN News
0 comments


Matapos ang panunumpa ng 22 senador bilang senator judges nitong Martes para sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, agad nagkaroon ng mosyon sa Senado na i-remand o ibalik muna ang kaso sa House of Representatives.

Ang naturang mosyon ay inihain ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa at inamyendahan ni Sen. Alan Peter Cayetano, upang linawin pa raw ang ilang legal na usapin. Hindi raw ito nangangahulugang ibinabasura na ang kaso, ayon sa mosyon.

Sa ginanap na botohan, 18 senador ang pabor sa remand habang lima ang tumutol—sina Sen. Koko Pimentel, Risa Hontiveros, Grace Poe, Sherwin Gatchalian, at Nancy Binay.

Dahil dito, kinumpirma ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na hindi na muna matutuloy ngayong Miyerkules ang nakatakdang presentasyon ng articles of impeachment.

Samantala, pumalag ang Makabayan Bloc sa desisyon ng Senado. Giit nila, ito raw ay labag sa konstitusyon at isang pagtalikod sa tungkulin ng Senado na litisin ang mga impeachment cases. Parehong opinyon ang ibinahagi ni Rep.-elect Leila De Lima at ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).


You may also like

Leave a Comment