
Marso 24, 2025 | 7:30 AM GMT+08:00
Inamin ni Foreign Relations Chair Senator Imee Marcos na nahirapan siyang makahanap ng mga testigo hinggil sa isyu ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na may kinalaman sa International Criminal Court (ICC), Interpol diffusion, at red notice.
Ito ay matapos magkaisa si Sen. Marcos ng isang pagdinig sa Senado upang talakayin ang ilang mga katanungan hinggil sa mga detalye patungkol sa pag-aresto kay FPRRD.
Sa ginanap na Pandesal Forum sa Kamuning Bakery Café sa Quezon City nitong Sabado, kanyang iginiit na ang imbestigasyon ay may layuning bumuo ng mga naaangkop at napapanahong batas, partikular sa ilalim ng Komite ng Senado na kanyang kasalukuyang pinamumunuan.
Aniya, ilang mga pagdinig pa ang aasahang ikasa, sapagkat ang paksa ay nangangailangan ng mahabang oras na pag-aaral dahil hindi lang lokal na batas ang sangkot, kundi pati na rin ang internasyonal na batas.
Dagdag pa ng senadora, na isinagawa niya ang Senate hearing hindi para sa endorsement, kundi sa layuning ipagtanggol ang soberanya ng Pilipinas, alamin at bigyang kalinawan ang publiko hinggil sa totoong nangyari sa dating Pangulo noong ika-labing dalawang ng Marso.
Samantala, umaasa naman si Senator Bong Go, na maging positibo ang kahinatnan ng pagdinig ng Senado, at umaasang mapabalik ang Pangulo sa bansa.