Home » Tinatarget ang Lahat ng Illegal Gaming Websites

Tinatarget ang Lahat ng Illegal Gaming Websites

by GNN News
0 comments

Nagsusumikap ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Department of Information and Communications Technology (DICT) na tuluyan nang matanggal ang lahat ng illegal gaming websites sa Pilipinas.

Ito’y kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong nalululong sa online games, na nakikitang nagdudulot ng negatibong epekto sa kanilang kalusugan, kabuhayan, at pamilya.

Ayon sa ulat, umabot na sa mahigit 7,000 na hindi awtorisadong online gaming websites ang naipasara o na-block ng DICT sa tulong ng mga ahensyang kaakibat nito. Layon ng kampanyang ito na pigilan ang pagkalat ng mga ilegal na aktibidad sa online platforms at maprotektahan ang publiko mula sa panlilinlang at pagkabaon sa utang dahil sa sugal.

Patuloy namang hinihikayat ng PAGCOR ang mga mamamayan na ireport ang anumang kahina-hinalang gaming sites upang agad itong maaksiyunan.

Dagdag pa ng DICT, palalakasin pa ang cybersecurity systems upang matiyak na hindi na muling makakalusot sa sistema ang mga ilegal na operator.

You may also like

Leave a Comment