Home » DA Sinampahan ng Kaso ang Illegal Fertilizer Sellers

DA Sinampahan ng Kaso ang Illegal Fertilizer Sellers

by GNN News
0 comments


Inamyendahan ng Department of Agriculture (DA) ang legal action laban sa apat na indibidwal na nasangkot sa umano’y illegal na pagbebenta ng mga unregistered fertilizers at pesticides na nagkakahalaga ng P3.5 milyon sa Las Piñas City.

Isinagawa ang operasyon noong Mayo 30 sa isang warehouse sa Las Piñas kung saan nahuli ang mga suspek sa akto ng pagbebenta ng mga unlicensed agricultural chemicals. Pinagsanib-puwersa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) ang pagsalakay.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., sinang-ayunan niya ang rekomendasyon ng Las Piñas City Prosecutor na arestuhin ang mga sangkot sa paglabag sa Fertilizer and Pesticide Act. Giit ng kalihim, “Ang ganitong uri ng illegal na aktibidad ay seryosong banta sa kaligtasan ng ating mga magsasaka at ng kanilang ani.”

Dagdag pa niya, ang ganitong kalakaran ay kabaligtaran ng layunin ng pamahalaan na magkaroon ng isang food-secured na bansa, alinsunod sa direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Patuloy ang imbestigasyon at hinikayat ng DA ang publiko na isumbong ang mga kahalintulad na ilegal na aktibidad upang masiguro ang kaligtasan ng sektor ng agrikultura sa bansa.


You may also like

Leave a Comment