Home » ICC Tinanggihan ang Petisyon ni Duterte Laban sa Judges

ICC Tinanggihan ang Petisyon ni Duterte Laban sa Judges

by GNN News
0 comments


Ibinasura ng International Criminal Court (ICC) ang petisyon ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin sa hukuman ang dalawang itinalagang hukom sa kanyang kinakaharap na kaso ng crimes against humanity.

Tinangkang idisqualify ng legal counsel ni Duterte sina Judge Socorro Flores Liera at Reine Alapini Gansou, na umano’y may kinikilingan at kwestionable ang hurisdiksyon sa nasabing kaso. Ayon sa kampo ni Duterte, hindi umano patas ang mga ito sa paghawak ng kaso, kaya hiniling ang kanilang pag-alis bilang mga miyembro ng korte.

Subalit sa naging desisyon ng ICC, mariing itinanggi nito ang kahilingan ng kampo ni Duterte at pinanatili ang hurisdiksyon ng dalawang hukom sa kaso.

Matatandaang kasalukuyang nakakulong sa The Hague, Netherlands si dating Pangulong Duterte, habang nililitis ang kaso ng crimes against humanity, kaugnay ng kontrobersyal na kampanya kontra droga sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Patuloy na tinututukan ng buong mundo ang mga susunod na hakbang ng ICC, at kung paanong uusad ang paglilitis laban sa dating lider ng Pilipinas.


You may also like

Leave a Comment