Hyun Bin meet and greet sa Solaire ngayong Agosto
Isang espesyal na kaganapan ang naghihintay sa mga tagahanga ng K-drama ā dadalaw sa bansa ang Korean superstar na si Hyun Bin para sa isang eksklusibong meet and greet event sa Solaire Resort and Casino sa darating na Agosto 8.
Kilala si Hyun Bin sa kanyang mga tumatak na papel sa mga hit series na “Secret Garden,” “My Lovely Sam Soon,” at “Memories of the Alhambra.” Ngunit higit siyang sumikat sa buong mundo sa kanyang pagganap bilang Captain Ri Jeong Hyeok sa “Crash Landing on You”, kung saan nakasama niya ang kanyang real-life partner na si Son Yejin.

Ang Hyun Bin meet and greet ay bahagi ng promotional tour ng aktor at isasagawa sa Solaire Resort Entertainment City, na magbubukas ng pinto para sa 500 maswerteng fans na mapipili sa isang raffle.
Inaasahang dadagsain ng mga Pinoy K-drama fans ang aktibidad, lalo naāt bihira lamang magkaroon ng ganitong pagkakataon na makadaupang-palad ang isa sa mga pinakatanyag na Korean actors sa kasalukuyan.
Para sa mga nais makasama si Hyun Bin, mahalagang bantayan ang opisyal na anunsyo ng Solaire para sa mechanics ng raffle at karagdagang detalye sa pagdalo sa event.