Pinangunahan ni Mayor Abby Binay ng Makati ang pamamahagi ng hygiene kits para estudyante ng pampublikong paaralan sa Makati High School bilang bahagi ng kampanya ng lungsod para sa kalinisan at kalusugan ngayong pasukan.
Mahigit 32,000 hygiene and better health care kits ang ipinamahagi sa mga mag-aaral mula kinder hanggang senior high school, kabilang na ang mga nasa Special Education (SPED) program.
Ang bawat kit ay naglalaman ng mosquito patch, sabon, tuwalya, toothbrush, alcohol, mini fan, at iba pang gamit na makatutulong sa pang-araw-araw na kalinisan ng mga bata.

Bilang dagdag benepisyo, tumanggap rin ang mga estudyante ng vacuum insulated flasks upang matiyak na may ligtas silang inumin sa klase.
Ayon kay Mayor Abby Binay, ang proyektong ito ay bahagi ng kanilang adbokasiya para tiyaking ligtas, malusog, at handa ang bawat mag-aaral sa harap ng banta ng mga sakit ngayong tag-ulan.
“Ang hygiene kits para estudyante ay hindi lamang simpleng ayuda—ito ay simbolo ng malasakit ng lungsod sa kaligtasan at kinabukasan ng bawat batang Makatizen,” dagdag pa ng alkalde.