Home » HEAT BREAKS, HAZARD PAY, ISINUSULONG NGAYONG TAG-INIT PARA SA MGA MANGGAGAWA

HEAT BREAKS, HAZARD PAY, ISINUSULONG NGAYONG TAG-INIT PARA SA MGA MANGGAGAWA

by GNN News
0 comments

Marso 6, 2025 | 6:40 AM GMT+08:00

Sa gitna ng matinding init ngayong panahon ng tag-init, isinusulong ang heat breaks upang matiyak na ligtas ang mga manggagawang Pilipino mula sa mga heat-related illnesses habang sila ay nagtatrabaho.

Bukod dito, ipinapanukala rin ang pagbibigay ng hazard pay at heat leave para sa mga empleyadong direktang nae-expose sa nakakapasong init ng araw, partikular na ang mga nagtatrabaho sa labas tulad ng construction workers, delivery personnel, at street vendors.

Bagamat hindi pa opisyal na tapos ang amihan, ayon sa PAGASA, nananawagan na ang publiko sa Department of Labor and Employment (DOLE) na magsagawa ng health risk assessments sa mga lugar ng trabaho upang mapabuti ang bentilasyon at tiyakin ang mas ligtas na kondisyon para sa mga empleyado.

Ayon sa ilang labor groups, mahalagang agarang tugunan ang mga health and safety measures lalo na’t ang patuloy na pagtaas ng temperatura ay maaaring magdulot ng mga heat-related illnesses tulad ng heat stroke, dehydration, at iba pang problema sa kalusugan.

Samantala, hinihintay pa ang opisyal na tugon ng DOLE kaugnay ng mga panukalang ito, ngunit umaasa ang mga manggagawa na mabibigyan ng kaukulang proteksyon at benepisyo upang maiwasan ang masamang epekto ng init sa kanilang kalusugan at kaligtasan.

You may also like

Leave a Comment