Bad news po sa ating mga motorista—epektibo na ngayong araw ng Martes ang panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Tumaas ng ₱1.80 ang kada litro ng parehong gasolina at diesel, habang ₱1.50 naman ang itinaas sa kada litro ng kerosene.
Ito na ang ikalimang sunod-sunod na linggo ng pagtaas sa presyo ng gasolina, ikatlong linggo ng dagdag-presyo sa diesel, at pangalawang linggo ng pagtaas sa kerosene.
Patuloy ang pagmonitor ng Department of Energy sa global oil price movement, ngunit hindi pa rin tiyak kung kailan bababa ang presyo.
Pinayuhan ang publiko, lalo na ang mga motorista, na magtipid sa konsumo at planuhin ang biyahe upang mabawasan ang epekto ng sunod-sunod na oil price hike.