Nag-anunsyo ang pamahalaan ng Saudi Arabia ng anim na buwang grace period para sa mga runaway OFWs, o mga tinatawag na “huroob,” upang makahanap ng bagong amo nang hindi kailangang magbayad ng multa sa immigration.
Ayon sa anunsyo, ang grace period runaway OFWs ay nagsimula nitong Mayo 11 at magtatagal hanggang Nobyembre 10, 2025. Sa panahong ito, pinapayagan ang mga OFWs na tumakas sa kanilang mga sponsor o employer na legal na humanap ng panibagong employer na maaaring magproseso ng kanilang bagong Iqama o residence permit.
Sa ilalim ng batas ng Saudi Arabia, ang pagiging huroob ay isang seryosong paglabag na nagreresulta sa pagkawala ng legal na karapatan, pagkakait ng sahod, at kawalan ng access sa mga benepisyo. Ngunit sa kabila ng mahigpit na patakaran, binuksan ng gobyerno ng Saudi ang oportunidad na ito bilang isang humanitarian at regulatory measure upang mabigyan ng panibagong pag-asa ang mga migranteng manggagawa, kabilang ang libu-libong Pilipino.
Ang mga runaway OFWs ay karaniwang domestic workers na tumatakas dahil sa iba’t ibang dahilan—maaring dahil sa abuso, hindi pagbibigay ng sahod, o di magandang kondisyon sa trabaho. Bagamat iligal ang pag-alis sa employer nang walang pahintulot, kinikilala ngayon ng Saudi ang pangangailangan para sa mas makataong solusyon sa mga kaso ng huroob.

Hinimok ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga OFWs sa Saudi Arabia na kasalukuyang may huroob status na gamitin ang anim na buwang palugit upang maisaayos ang kanilang legal na katayuan at makapagtrabaho muli nang legal. Inaasahang makipag-ugnayan ang mga apektado sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) o sa mga accredited recruitment agencies.
Sa ilalim ng programang ito, pinapayagan ang paglipat ng sponsorship nang walang immigration penalty, at may pangakong proteksyon mula sa pagpapatapon habang nasa proseso ng legalisasyon.
Ang grace period runaway OFWs ay isang hakbang na layong itaguyod ang karapatan ng mga migranteng manggagawa habang pinapanatili ang kaayusan sa immigration system ng Saudi.