Tiniyak ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na hindi palalampasin ng kagawaran ang mga nasa likod ng āghost scholarsā na iskema na kinasasangkutan ng maling paggamit ng pondo para sa pekeng iskolar.
Ayon kay Angara, gumagana na ang legal action team ng DepEd upang habulin at mabawi ang pondong hindi wasto ang pinaglaanan.

Ibinunyag din ng kalihim na sa lumang sistema, may mga scholarship grant na naibibigay kahit walang sapat na school records ang mga nagke-claim.
Mariin ang babala ng DepEd sa mga sangkotāanumang posisyon nila sa pamahalaanāna pananagutin sila sa ilalim ng batas.
Binigyang-diin ni Angara na kailangang mapanagot ang mga responsable upang maibalik ang tiwala ng publiko sa sistema ng edukasyon at matiyak na ang pondo ay sa tunay na mga iskolar napupunta.