Home » Filipino Seafarers Drug Bust sa South Korea

Filipino Seafarers Drug Bust sa South Korea

by GNN News
0 comments


Apat sa dalawampung Pilipinong marino ng MV Lunita ang patuloy na iniimbestigahan sa South Korea kasunod ng pagkakasangkot ng mga ito sa record-breaking drug bust na nahuli ng Korea Coast Guard.

Bagamat nakauwi na ng Pilipinas ang labing-anim sa mga ito, nakatutok naman ang Department of Migrant Workers (DMW) sa natitirang apat upang mabigyan ng kaukulang suporta at tulong legal.

Dalawa sa kanila ay opisyal na inaresto ng Korean authorities, habang ang natitira namang dalawa ay itinuturong persons of interest.

Matatandaang ang sinasakyang barko ng mga Pinoy ay nahulihan ng may kargang dalawang toneladang hinihinalang ‘cocaine’ habang ito ay nasa Oggye Port sa Gangneung, Gangwon Province ng South Korea.

Ang filipino seafarers drug bust na ito ay tinaguriang isa sa pinakamalaking drug operation sa kasaysayan ng Korea, dahilan upang maging international headline ang insidente.

Ayon sa ulat, tinatayang umaabot sa bilyon-bilyong piso ang street value ng nasabing kargamento na pinaniniwalaang bahagi ng mas malawak na transnational drug smuggling network.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa Seoul at ang DMW sa South Korean authorities upang matiyak na makatatanggap ng makatarungang proseso ang mga nasasangkot sa filipino seafarers drug bust.

Samantala, nanawagan ang pamahalaan sa mga seafarers at overseas Filipino workers na maging mapagmatyag at tiyaking lehitimo at ligtas ang kanilang mga pinapasukang barko o kumpanya.

Sa kabila ng kontrobersya, nananatiling pangunahing adbokasiya ng DMW ang proteksyon ng karapatan ng bawat OFW, at patuloy na ipaglalaban ang kanilang kapakanan, lalo na sa mga kasong may kinalaman sa filipino seafarers drug bust at iba pang seryosong akusasyon sa abroad.

You may also like

Leave a Comment