Isang karangalan para sa Pilipinas ang paglahok ng dalawang Filipino actors sa Avatar: The Last Airbender live-action series ng Netflix. Sa opisyal na anunsyo nitong Miyerkules, kinumpirma ng production team ang pagpasok nina Dolly de Leon at Jonjon Briones sa Season 2 at 3 ng nasabing palabas.
Ang Filipino actors sa Avatar ay sina Dolly de Leon, isang batikang aktres na magbibigay-buhay sa kambal na sina Lo at Li. Sila ay mga elderly spiritual advisers at fire-bending instructors ni Fire Princess Azula, isa sa pinaka-abangang karakter sa darating na seasons.
Samantala, si Jonjon Briones, isang Filipino-American actor na kilala rin sa kanyang husay sa Broadway at Hollywood, ay gaganap bilang isang swordmaster at miyembro ng White Lotus warriors. Ang karakter na ito ay mahalaga sa mga susunod na yugto ng kwento.

Ayon sa ulat, natapos na umano ang shooting para sa Season 2 at kasalukuyang isinasagawa na ang produksyon para sa Season 3 ng Avatar: The Last Airbender. Malaki ang inaasahan ng mga tagahanga sa mga darating na episodes, lalo na’t may Filipino actors sa Avatar na magdadala ng galing at talento ng mga Pilipino sa isang global na entablado.
Ang live-action adaptation ng Avatar ay patuloy na pinupuri dahil sa pagsusumikap nitong magkaroon ng mas inklusibong cast, at sa pagkuha ng mga aktor na tunay na nagrerepresenta ng mga Asian culture at identity.
Sa paglahok nina Dolly de Leon at Jonjon Briones, mas lalong nabibigyang-boses ang mga Pilipinong artista sa larangan ng international entertainment. Isa itong patunay na unti-unti nang nabubuksan ang pinto ng mga oportunidad para sa Filipino talents sa buong mundo.