Home » FDA, Nagbabala Laban sa Drivemax Plus

FDA, Nagbabala Laban sa Drivemax Plus

by GNN News
0 comments

Marso 24, 2025 | 7:30 AM GMT+08:00

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagbili at paggamit ng isang energy-boosting dietary supplement na ‘Drivemax Plus.’ Ayon sa pagsusuri, napag-alamang naglalaman ang naturang supplement ng Sildenafil Citrate, isang sangkap na kilalang ginagamit sa mga gamot na nagpapalakas ng daloy ng dugo. Ang FDA ay nagpahayag ng pag-aalala dahil ang sangkap na ito ay delikado, partikular sa mga may history na ng stroke, may problema sa puso o bato, at low blood pressure.

Ayon sa FDA, ang paggamit ng Drivemax Plus ay maaaring magdulot ng mga hindi kanais-nais na epekto, lalo na sa mga indibidwal na may mga kasaysayan ng sakit sa puso o iba pang seryosong kondisyon sa kalusugan. Ilan sa mga posibleng side effects ng produktong ito ay ang pananakit ng ulo, pagdudumi, pagkahilo, urinary tract infection (U.T.I.), indigestion, pagbabara ng ilong, mga pantal, at biglaang pagkawala ng paningin. Ang mga side effect na ito ay maaaring magdulot ng matinding abala at panganib sa kalusugan ng isang tao.

Hinikayat ng FDA ang publiko na maging maingat at iwasan ang paggamit ng produktong ito, lalo na kung ang isang tao ay may existing health conditions. Sakaling makaramdam ng alinman sa mga side effects matapos ang pagkonsumo ng dietary supplement, agad na inabiso ang publiko na magpakonsulta sa doktor upang matukoy ang tamang hakbang na dapat gawin. Inirekomenda rin ng FDA ang patuloy na pagiging mapanuri at responsable sa pagpili ng mga dietary supplements upang maiwasan ang anumang panganib sa kalusugan.

You may also like

Leave a Comment