Home » Escudero, Itinuloy ang Schedule ng Impeachment Trial ng VP Sara

Escudero, Itinuloy ang Schedule ng Impeachment Trial ng VP Sara

by GNN News
0 comments

Marso 18, 2025 | 7:30 AM GMT+08:00

Pinabulaanan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang mga kumakalat na espekulasyon ukol sa posibleng epekto ng pagkaka-aresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa impeachment proceedings ni Vice President Sara Duterte. Ayon kay Escudero, walang koneksyon ang dalawang usapin at walang dahilan para maantala ang mga nakatakdang hakbangin ng Senado, anuman ang mangyari sa The Hague.

Sinabi ni Escudero na ang impeachment proceedings ni VP Sara ay hindi dapat mapektuhan ng mga pangyayari sa international arena, tulad ng ICC, dahil hindi ito nakasaad sa batas. Binanggit din ng senador na ang target na impeachment trial timetable ay hindi mababago at patuloy na isasagawa sa mga itinakdang araw.

Senate Impeachment Trial Set for June 2025

Kinumpirma ni Escudero na ang impeachment trial laban kay VP Sara ay nakatakdang magsimula sa ika-3 ng Hunyo, isang araw pagkatapos ng session ng Senado. Ang mga senador na magsisilbing judge ay manunumpa sa kanilang tungkulin sa parehong araw.

You may also like

Leave a Comment