Target ngayon ng Commission on Human Rights (CHR) na matapos ang matagal nang imbestigasyon ukol sa mga umanoāy extra judicial killings (EJK) kaugnay ng drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay CHR Chairman Richard Palpal-latoc, nasa 4,000 kaso ng EJK ang kanilang tinututukan mula taong 2016 hanggang 2022 na may motu proprio investigation.
Gayunman, inamin ng CHR na marami pa sa mga kasong ito ang hindi pa tapos, pangunahing dahilan ay ang kakulangan ng kooperasyon ng Philippine National Police (PNP).

Aniya, tumangging magbigay ng mahahalagang impormasyon ang ilang opisyal ng PNP, dahilan upang maantala ang pag-usad ng imbestigasyon.
Patuloy ang panawagan ng CHR para sa mas aktibong pakikipagtulungan mula sa mga ahensya ng gobyerno upang maitaguyod ang karapatang pantao at hustisya.