Home » ₱5.1M Ecstasy Nasabat sa Clark Port

₱5.1M Ecstasy Nasabat sa Clark Port

by GNN News
0 comments


Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark ang 3,004 piraso ng Ecstasy tablets na itinago sa loob ng isang shipment mula Paris, France na idineklarang “Animal Food” at nakatakdang ipadala sa Taguig City.

Ayon sa BOC, tinatayang nasa halagang ₱5.126 milyon ang kabuuang halaga ng nasabing kontrabando. Nadiskubre ang droga sa tulong ng impormasyong ibinahagi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at isinagawang K-9 sniff test.

Itinago ang mga Ecstasy tablets sa apat na pouch na sinadyang isama sa mga pellets ng dog food upang maiwasang madetect sa X-ray inspection.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang mga nasa likod ng ilegal na kargamento, at pinaigting na rin ang koordinasyon ng BOC at PDEA laban sa mga tangkang pagpupuslit ng droga sa bansa.

You may also like

Leave a Comment