Isinagawa ngayong Hunyo 9, 2025 ang ikalawang batch ng Quick Response Team (QRT) General Orientation sa DSWD Central Office sa Quezon City, sa pangunguna ng Disaster Response Management Bureau (DRMB).
Ang orientation ay bahagi ng tuloy-tuloy na pagsasanay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang mapaigting ang kakayahan nitong tumugon sa mga sakuna, alinsunod sa tungkulin nito bilang Vice Chair para sa Disaster Response at Early Recovery ng NDRRMC.
Kabuuang 76 QRT members ang lumahok sa ikalawang batch ng orientation: 37 ang pisikal na dumalo habang 39 ang sumali online. Sa kabuuan, umabot na sa 151 miyembro ang naihanda ng DSWD sa loob ng dalawang batch ng pagsasanay na tumagal ng dalawang araw bawat isa.
Binigyang-diin ni DRMB Director Maria Isabel Lanada, Ph.D. ang kahalagahan ng kahandaan sa gitna ng mga hindi inaasahang sakuna, at itinuturing ang QRT service bilang isang makabayang tungkulin.

Tinalakay sa mga sesyon ang mga sumusunod:
- Philippine Disaster Risk Profile
- DDRM Framework
- National Disaster Response Plan 2024
- DSWD Strategic Plan 2024–2028
Ipinaliwanag din ang mga tungkulin ng QRT, tulad ng:
- Camp Coordination and Camp Management
- IDP Protection
- Food and Non-Food Items
- DROMIC Reporting
Isinagawa rin ang isang walkthrough sa Disaster Response Command Center at isang bukas na talakayan, upang magbigay ng praktikal na kaalaman sa mga kalahok.