Tinawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isang “Digital Bayanihan” ang paglulunsad ng National Fiber Backbone (NFB) Phase 2 at 3 na isinagawa kasama ang Department of Information and Communications Technology (DICT). Layunin nitong makapaghatid ng mas mabilis at maasahang internet access sa mas maraming bahagi ng bansa.

Sa ilalim ng proyekto, naikalat na ang fiber optic cables sa mga rehiyon ng Cagayan Valley, CALABARZON, Bicol, Eastern Visayas, at ilang bahagi ng Mindanao.

Ayon sa mga mambabatas, malaking tulong ang libreng Wi-Fi connection para sa iba’t ibang aspeto ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino—mula sa job hunting, weather updates, health care services, at mga video tutorial para sa mga mag-aaral.

Dagdag pa ng Pangulo, patuloy ang pagtutok ng gobyerno na mailatag ang internet access sa mga malalayong lugar upang walang Pilipinong maiiwan sa digital information age. Layunin nitong bigyang kapangyarihan ang bawat mamamayan sa paggamit ng teknolohiya para sa kaunlaran.

Ang proyekto ay bahagi ng mas malawak na digitalization program ng administrasyon na naglalayong isama ang bawat Pilipino sa tinatawag na digital economy.


You may also like

Leave a Comment