Home » DICT Rebyuhin ang Free Wi-Fi Program para sa Mas Epektibong Implementasyon

DICT Rebyuhin ang Free Wi-Fi Program para sa Mas Epektibong Implementasyon

by GNN News
0 comments

Marso 12, 2025 | 6:40 AM GMT+08:00

FREE WIFI PROGRAM, MULING SUSURIIN AT ISASAAYOS NG DICT

Muling susuriin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang Free Wi-Fi Program ng gobyerno dahil sa mataas na gastos at kakulangan sa kasalukuyang setup.

Ayon sa ahensya, kailangang isaayos ang programa upang maging mas cost-effective at matiyak na mas maraming Pilipino ang makikinabang sa libreng internet access.

Sa kasalukuyan, may taunang budget na ₱6.5 bilyon ang gobyerno upang magbigay ng internet access sa mahigit 7,000 lokasyon sa bansa.

Bukod dito, plano rin ng DICT na gumamit ng 40,000 lokasyon para sa pag-broadcast ng educational content na layong mapahusay ang digital learning sa buong Pilipinas.

You may also like

Leave a Comment