Home » DFA Bumuwelta sa China sa Isyu ng South China Sea

DFA Bumuwelta sa China sa Isyu ng South China Sea

by GNN News
0 comments

DFA, UMALMA SA ALEGASYON NG CHINA NA PAGIGING SCRIPTED NG MGA GANAP SA WPS

Marso 10, 2025 | 6:40 AM GMT+08:00

Hindi sinang-ayunan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang alegasyon ng isang mataas na opisyal ng China na scripted umano ang mga insidente sa South China Sea.

Sa inilabas na pahayag, iginiit ng DFA na ang Pilipinas ay isang independent at sovereign nation, at ang mga desisyon nito ay nakabatay sa pambansang interes at kapakanan ng mga Pilipino.

Ang pahayag ng DFA ay tugon sa sinabi ni Chinese Foreign Minister Wang Yi, na staged o isang palabas ang mga kaganapan sa South China Sea, at may ibang bansang nasa likod ng mga ito.

Binigyang-diin ng DFA na walang anumang analogy o paglalaro ng salita ang makakapagtakip sa totoong isyu—ang hindi pagsunod ng China sa 1982 UNCLOS at 2016 Arbitral Award tungkol sa pinag-aagawang teritoryo.

Nanawagan din ang DFA sa ibang bansa na maging maingat sa mga aksyon at pahayag upang hindi na lumala pa ang tensyon sa rehiyon.

You may also like

Leave a Comment