Home » DEPED, NILINAW NA WALANG AWTOMATIKONG SUSPENSYON NG KLASE BUNSOD NG MATINDING INIT NG PANAHON

DEPED, NILINAW NA WALANG AWTOMATIKONG SUSPENSYON NG KLASE BUNSOD NG MATINDING INIT NG PANAHON

by GNN News
0 comments

Marso 6, 2025 | 6:40 AM GMT+08:00

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na walang awtomatikong suspensyon ng klase kahit na nakararanas ng matinding init ng panahon sa bansa.

Ayon sa ahensya, ang desisyon sa pagsuspinde ng klase ay nakasalalay sa local chief executive o mayor, na may kapangyarihang ipatupad ito sa buong lalawigan kung kinakailangan.

Bukod dito, may kakayahan din ang mga school heads na magdeklara ng suspensyon ng klase, depende sa sitwasyon sa kanilang lugar.

Tiniyak naman ng DepEd na patuloy nilang isinasagawa ang mga preventive measures upang mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral at guro, lalo na sa gitna ng tumataas na temperatura sa bansa.

You may also like

Leave a Comment