Marso 6, 2025 | 6:40 AM GMT+08:00

Nagre-renew at muling magha-hire ang Department of Education (DepEd) ng non-teaching personnel upang patuloy na mabawasan ang administrative workload ng mga guro sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Ayon sa DepEd, kukuha muli ito ng 7,062 non-teaching personnel ngayong taon, mas mataas kumpara sa 5,000 empleyado na kanilang hinire noong nakaraang taon.

Layunin ng hakbang na ito na tanggalin ang mabibigat na administrative tasks ng mga guro upang sila ay makapagpokus sa pagtuturo at mas mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Ayon sa DepEd, ang patuloy na pagdadagdag ng non-teaching staff ay bahagi ng kanilang education reforms upang matugunan ang matagal nang hinaing ng mga guro ukol sa sobrang dami ng kanilang responsibilidad na hindi direktang nauugnay sa pagtuturo.

Inaasahan ding magpapatuloy ang programang ito sa mga susunod na taon upang masiguro na mas maraming paaralan sa buong bansa ang magkakaroon ng sapat na support staff.

You may also like

Leave a Comment