Home » DepEd pinabulaanan ang kumakalat na fake news

DepEd pinabulaanan ang kumakalat na fake news

by GNN News
0 comments


Mariing pinabulaanan ng Department of Education (DepEd) ang kumakalat sa social media na umano’y makatatanggap ng isang libong piso kada buwan ang lahat ng mag-aaral, at na required umano ang weekly alcohol test para sa mga junior at senior high school students.

Ayon sa ahensya, walang katotohanan ang mga balitang ito at bahagi lamang ito ng mga malisyosong impormasyon na naglalayong linlangin ang publiko, partikular na ang mga magulang at estudyante.

Pinaalalahanan ng DepEd ang lahat na maging mapagmatyag at maingat sa mga nababasang impormasyon online, lalo na kung hindi ito mula sa mga opisyal na social media accounts ng ahensya.

Hinimok din ng kagawaran ang publiko na bumisita lamang sa kanilang official platforms para sa mga lehitimong anunsyo at impormasyon tungkol sa basic education policies, program updates, at mga benepisyo ng mga estudyante.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas pinalakas na kampanya ng DepEd laban sa fake news at upang maprotektahan ang kapakanan ng kabataang Pilipino sa gitna ng mabilis na pagkalat ng maling impormasyon sa social media.


You may also like

Leave a Comment