Hindi lang isa, kundi dalawang weather systems ang sabay na namataan ng mga eksperto sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa pinakabagong ulat ng panahon.
Ang una ay isang tropical cyclone o bagyo na kasalukuyang nasa labas pa ng bansa at patuloy na mino-monitor ng PAGASA para sa posibleng pagpasok nito sa PAR. Hindi pa malinaw kung direktang maaapektuhan ng bagyong ito ang bansa, ngunit pinayuhan ang publiko na manatiling alerto sa mga susunod na update.
Samantala, ang ikalawa ay isang tropical depression na kasalukuyang nasa kanlurang bahagi ng Iba, Zambales. May taglay itong lakas ng hangin na 55 kilometers per hour at bugso ng hanggang 70 kilometers per hour. Kumikilos ito nang mabagal patimog-silangan, dahilan upang posibleng magdala ito ng pag-ulan sa mga kalapit na lugar sa mga susunod na araw.

Bagama’t hindi pa ito ganap na bagyo, pinayuhan ng mga awtoridad ang mga residente sa mga apektadong lugar na maging mapagmatyag sa mga babala ng PAGASA lalo na’t maaaring maranasan ang malalakas na pag-ulan, pagbaha, at posibleng landslide.
Patuloy ang monitoring ng DOST-PAGASA sa dalawang weather systems, at muling paalala na maging handa ang lahat sa anumang biglaang pagbabago ng panahon.