Home » DA inalis ang ban sa poultry mula Belgium

DA inalis ang ban sa poultry mula Belgium

by GNN News
0 comments

Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang temporary ban sa domestic at wild birds gayundin sa mga poultry products na inaangkat mula Belgium. Ito ay matapos ang ulat ng World Organization for Animal Health na wala nang bagong kaso ng avian influenza sa nasabing bansa simula pa noong Pebrero 28.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang hakbang na ito ay nakabatay sa siyentipikong ebidensya at opisyal na impormasyon ng pandaigdigang organisasyon. Inilabas ang kautusan bilang bahagi ng responsableng pangangasiwa sa kalakalan at kalusugan ng hayop.

Nilinaw ni Laurel na ang ipinatupad na ban ay bahagi ng agarang aksyon ng ahensya upang maprotektahan ang food security ng bansa, at maiwasan ang pagkalat ng avian flu sa loob ng Pilipinas na maaaring makaapekto sa agrikultura at ekonomiya.

Ang pagbabalik ng importasyon mula Belgium ay inaasahang makatutulong sa supply ng poultry products at pagpapanatili ng presyo sa merkado.


You may also like

Leave a Comment