Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang umano’y crypto trafficker na kinilalang si alyas Maria sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos itong mahuling may dalang pekeng stamp sa passport.
Ayon sa imbestigasyon, kusang sumuko si Maria at inaming nakipagtransaksyon gamit ang cryptocurrency sa isang empleyado ng BI kapalit ng 2,000 US dollars, upang makalabas ng bansa nang ilegal.

Tinukoy ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na isa itong makabagong kaso ng trafficking, kung saan cryptocurrency ang ginamit bilang kabayaran. Ayon sa kanya, mas paiigtingin pa ng ahensya ang pagsugpo sa ganitong uri ng krimen upang mapanatili ang seguridad sa mga paliparan at maiwasan ang iligal na gawain.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng kasabwat na empleyado sa loob ng BI at mapanagot ang lahat ng sangkot.