Magandang balita para sa mga senior citizens ng Makati! Pinirmahan na ni Mayor Abby Binay ang City Ordinance 2025-104 na layong magbigay ng karagdagang cash incentive sa mga senior citizen ng lungsod.
Naipasa ang ordinansa ng Sangguniang Panlungsod noong Hunyo 11, at inaasahang magdudulot ito ng dagdag suporta sa mga nakatatanda.

Ayon sa bagong patakaran, makakatanggap ng insentibong salapi ang mga senior citizens base sa kanilang edad:
- ₱4,000 para sa mga edad 60-69 years old
- ₱5,000 para sa 70-79 years old
- ₱6,000 para sa 80-89 years old
- ₱11,000 para sa 90-99 years old
- ₱12,000 para sa mga 101 years old pataas
Layunin ng cash incentive para sa senior citizens na maitaas ang kalidad ng pamumuhay ng mga matatanda sa Makati, at bilang pagkilala na rin sa kanilang kontribusyon sa komunidad.
Patuloy ang suporta ng pamahalaang lungsod para sa mga MakatiZen Seniors, at umaasa itong mapalalakas pa ang serbisyong panlipunan ng lungsod.