
Sa nalalapit na conclave o eleksyon para sa susunod na Santo Papa, kabilang sa mga binabantayang pangalan si Cardinal Tagle papal contender mula sa Pilipinas, kasabay nina Cardinals Pietro Parolin at Matteo Zuppi ng Italy.
Out of 132 cardinal electors, tatlo ang nangungunang itinuturing na “papabile” o may mataas na tsansang mahalal bilang Santo Papa kapalit ni Pope Francis sakaling hindi na siya makapagpatuloy sa panunungkulan.
Si Cardinal Pietro Parolin, kasalukuyang Vatican Secretary of State, ay itinuturing na frontrunner. Kilala siya sa kanyang konserbatibong paninindigan, partikular sa kanyang pagtutol sa legalisasyon ng same-sex marriage, na tinawag niyang “hindi magandang pangyayari para sa sangkatauhan.”
Pumapangalawa si Cardinal Matteo Zuppi, isa ring Italiano at malapit na kaalyado ni Pope Francis. Siya ang itinalaga bilang peace envoy sa gitna ng digmaan sa Ukraine, na nagpapakita ng tiwala ng Santo Papa sa kanyang kakayahang mamuno sa panahon ng krisis.
Samantala, si Cardinal Luis Antonio Tagle ng Pilipinas ay patuloy na binabanggit sa mga diskusyon ukol sa papal succession. Tinagurian siyang “Asian Francis” dahil sa kanyang pakikiisa sa mga isyung panlipunan, kababaang-loob, at pastoral na istilo ng pamumuno.
Kilala rin si Tagle sa kanyang suporta sa mga moral na usapin tulad ng pagiging pro-life sa isyu ng aborsyon at euthanasia, habang nananatiling bukas sa diyalogo at kapayapaan sa Simbahang Katolika.
Sa kasaysayan ng Simbahang Katolika, bihirang mangyari na magkaroon ng Asian Pope, ngunit sa panahong ito ng pagbabago, marami ang nagsasabing handa na ang simbahan para sa isang bagong pamumuno mula sa Asya.
Habang nananatiling bukas ang posibilidad sa lahat ng cardinal electors, tumitibay ang posisyon ni Cardinal Tagle papal contender bilang isa sa mga pinakamasusing sinusubaybayan sa papal election.