Home » BUCOR, NAGSAGAWA NG DRUG TEST SA MGA KAWANI NG BILANGGUAN PARA SA KALIGTASAN NG MGA PDLs

BUCOR, NAGSAGAWA NG DRUG TEST SA MGA KAWANI NG BILANGGUAN PARA SA KALIGTASAN NG MGA PDLs

by GNN News
0 comments

Marso 6, 2025 | 6:40 AM GMT+08:00

Matagumpay na naisagawa ng Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) ang mandatory random drug testing para sa kanilang uniformed, job order, at civilian personnel bilang bahagi ng pagsunod sa pambansang patakaran para sa isang drug-free workplace.

Sa kabuuang 507 personnel na sumailalim sa pagsusuri, lumabas na negatibo ang lahat sa paggamit ng ipinagbabawal na droga. Ayon sa pamunuan ng SPPF, ang resulta ng pagsusuri ay patunay ng dedikasyon ng kanilang mga empleyado sa integridad, propesyonalismo, at pagsunod sa batas.

Bukod sa random drug testing, patuloy na magsasagawa ang SPPF ng iba pang programa gaya ng regular na drug education seminars at awareness campaigns upang patatagin ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga.

Ayon pa sa pamunuan ng SPPF, layunin ng mga hakbang na ito na hindi lamang mapanatili ang isang ligtas at disiplinadong kapaligiran sa loob ng penal farm, kundi upang magsilbing huwaran ng integridad at mabuting pamamahala sa sektor ng public service.

Patuloy ding makikipagtulungan ang SPPF sa iba pang ahensya ng gobyerno upang palakasin ang kanilang anti-drug initiatives at tiyakin ang isang drug-free workplace para sa kanilang mga empleyado.

You may also like

Leave a Comment