
Marso 6, 2025 | 6:40 AM GMT+08:00
Nakipagpulong kamakailan si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Y. Rubio sa mga opisyal ng Emirates Cargo upang talakayin ang mga pinakamahusay na pamamaraan sa airport operations, cargo handling, at logistics management.
Kasama ang iba pang opisyal ng BOC, pinag-usapan sa pulong ang mga estratehiyang makakatulong upang mapabilis ang paggalaw ng kargamento, mapahusay ang risk management, at maiayon sa pandaigdigang pamantayan ang mga proseso ng adwana.
Ayon kay Commissioner Rubio, ang pakikipagtulungan sa international cargo carriers tulad ng Emirates Cargo ay isang mahalagang hakbang upang gawing mas episyente, moderno, at ligtas ang kalakalan sa bansa.
Patuloy namang magsasagawa ng mga inisyatibo ang BOC upang tiyakin ang mas mabilis at epektibong customs procedures, na makakatulong sa pagpapabuti ng import at export processes ng Pilipinas.