Home » Black Smoke sa Conclave 2025, Wala Pang Napiling Santo Papa

Black Smoke sa Conclave 2025, Wala Pang Napiling Santo Papa

by GNN News
0 comments

Naglabas ng itim na usok ang chimney ng Sistine Chapel ngayong Miyerkules, senyales na wala pang bagong Santo Papa na nahalal matapos ang unang round ng pagboto sa conclave 2025.

Pinangunahan ng 133 cardinal-electors ang pagboto sa loob ng Sistine Chapel, na isinara sa publiko upang tiyaking pribado ang proseso. Ang itim na usok o “black smoke” ay isang tradisyonal na simbolo na nagpapahiwatig na wala pang consensus o nanalong kandidato sa kasalukuyang boto.

Bago ang pagsisimula ng conclave, isang espesyal na misa ang idinaos sa St. Peter’s Basilica, na dinaluhan ng mga cardinal mula sa buong mundo. Pagkatapos nito, nagtungo sila sa Sistine Chapel kung saan sila mananatili sa loob hanggang sa makapili ng bagong Santo Papa—ang ika-276 na pontiff ng Simbahang Katolika.

Ayon sa kasaysayan, may mga panahon kung saan umaabot ng ilang buwan o taon ang halalan ng bagong papa. Ngunit sa mga nakaraang dekada, ang proseso ay naging mas mabilis. Noong 2013, si Pope Francis ay nahalal matapos lamang ang limang rounds ng pagboto sa loob ng dalawang araw.

Ang buong mundo ay nakaabang sa mga susunod na usok mula sa chimney ng Sistine Chapel. Kapag puti na ang usok, ito ang magiging hudyat na ang Simbahang Katolika ay may bago nang Santo Papa.

Para sa real-time updates sa conclave at papal election, manatiling nakatutok sa GNN World News.

You may also like

Leave a Comment