Home » Hollywood Company Mag-iinvest ng $50M sa Film Production sa Pilipinas

Hollywood Company Mag-iinvest ng $50M sa Film Production sa Pilipinas

by GNN News
0 comments

Marso 12, 2025 | 6:40 AM GMT+08:00

Plano ng Los Angeles-based company na Birns & Sawyer, Inc. na mamuhunan ng $50 milyon (₱2.87 bilyon) sa Pilipinas, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay Birns & Sawyer CEO Mari Acevedo, nais nilang dalhin ang kanilang film production services sa Pilipinas upang isulong ang local creative industry.

Naniniwala naman si DTI Secretary na maraming malikhaing talento sa bansa, kaya’t napapanahon nang palakasin ang film industry at ilabas ang kanilang potensyal.

Ang pamumuhunang ito ay magbibigay-daan sa mas malawak na kolaborasyon, mas maraming oportunidad para sa Filipino filmmakers, at paglago ng ekonomiya sa industriya ng pelikula.

You may also like

Leave a Comment