Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ng pagtaas sa bilang ng employed Filipinos ngayong Abril 2025, na umabot sa 48.67 milyon, mas mataas kumpara sa 48.35 milyon noong Abril 2024.
Ang positibong pagtaas na ito ay isinailalim sa mga repormang ipinatutupad ng gobyerno upang mapalakas ang employment rate at makapagbigay ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino.
Sa talaan ng PSA, ang mga sektor na may pinakamalaking pagtaas sa employment ay ang Administrative and Support Service Activities, Public Administration and Defense, Agriculture and Forestry, Construction, at Education.

Sa kabila ng pagtaas sa empleyo, mayroon pa ring 2.06 milyong Pilipino na kasalukuyang walang trabaho, ayon sa ulat.
Patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan na mapababa ang bilang ng unemployed Filipinos sa pamamagitan ng mga programa at inisyatibong nakatuon sa inclusive employment at workforce development.