Home » Bestlink, Pinagbawalan sa Off-Campus Activities

Bestlink, Pinagbawalan sa Off-Campus Activities

by GNN News
0 comments


Nagulantang ang Bestlink College of the Philippines matapos itong pagsabihan sa Senate hearing ng Higher, Technical and Vocational Education Committee na pinamumunuan ni Senator Raffy Tulfo, dahil sa palpak na pag-organisa ng out-of-school activity na isinagawa sa isang resort sa Bataan.

Ayon sa mga ulat, umabot sa 25,000 estudyante ang dinala sa nasabing resort kung saan hindi naging sapat ang espasyo upang maayos silang ma-accommodate. Isa pa sa naging reklamo ay ang tatlong oras na lakad ng mga estudyante mula sa resort papunta sa parking area ng kanilang shuttle.

Mariing kinondena ni Tulfo ang insidente at iginiit na hindi isinasaalang-alang ng pamunuan ng eskwelahan ang kapakanan ng mga estudyante at tila mas pinili pa umano ang kumita kaysa magbigay ng maayos na karanasan.

Dahil dito, iniutos ng senador sa Commission on Higher Education (CHED) na ipagbawal na ang Bestlink sa pag-oorganisa ng anumang off-campus activities hanggang sa maayos ang kanilang mga patakaran at sistema sa pagpapatupad ng ganitong mga gawain.


You may also like

Leave a Comment