Sa kabila ng naunang pahayag na wala siyang gana at balak dumalo sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., namataan pa rin ngayong araw si Senator Ronald āBatoā Dela Rosa na dumalo sa joint session ng Senado at Kamara.
Matatandaang sinabi ni Senador Dela Rosa na hindi siya interesado sa nasabing talumpati ng Pangulo, dahil ayaw umano niyang makipag-plastikan sa ilang mga kongresista at miyembro ng MalacaƱang na kanyang nakaalitan.

Subalit ngayong July 28, taliwas sa kanyang pahayag, nakita si Bato sa loob ng Batasang Pambansa. Hindi pa malinaw ang dahilan ng kanyang pagbabago ng desisyon, ngunit maraming netizen at political analysts ang nagtatanong kung ito ba ay senyales ng muling pagbubukas ng komunikasyon o simpleng pagbibigay-galang sa opisyal na gawain ng gobyerno.
Patuloy ang mga spekulasyon sa motibo ng kanyang pagdalo, lalo naāt naging vocal siya sa mga isyung bumabalot sa pamahalaan, kabilang ang ilang pagkakaiba ng pananaw sa mga kasamahan sa lehislatura at ehekutibo.