Home » BALIKBAYAN BOX ISSUE, TINALAKAY SA PAGDINIG NG MIGRANT WORKERS CMTE NG SENADO

BALIKBAYAN BOX ISSUE, TINALAKAY SA PAGDINIG NG MIGRANT WORKERS CMTE NG SENADO

by GNN News
0 comments

Marso 6, 2025 | 6:40 AM GMT+08:00

Tinalakay ng Migrant Workers Committee ng Senado, sa pangunguna ni Committee Chair Senator Raffy Tulfo, ang mga isyu kaugnay ng Balikbayan Box shipments sa isinagawang pagdinig nitong Huwebes.

Ipinahayag ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang mungkahing solusyon matapos talakayin ang mga reklamo tungkol sa pagkaantala o hindi pagdating ng mga padala ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa kanilang destinasyon sa Pilipinas.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Atty. Hans Leo Cacdac, maraming OFW ang hindi nakakaalam na ang kanilang binayarang door-to-door shipment ay hanggang warehouse lamang. Dito umano nagkakaroon ng panloloko sa pagitan ng mga foreign provider, forwarder, at kanilang local counterpart na deconsolidator sa Pilipinas, na kadalasang bahagi ng isang scam scheme ng mga consolidator abroad.

Dagdag pa rito, ang mga hindi natatanggap na Balikbayan Boxes ay nafo-forfeit at isinasailalim sa auction dahil hindi nababayaran sa Pilipinas. Bilang tugon, iminungkahi ng BOC ang mahigpit na regulasyon sa mga counterpart consolidators sa bansa.

Samantala, iginiit ni Sen. Tulfo na imbes na umabot pa sa deed of donation, dapat nang sampahan ng kaso ang mga hindi accredited na deconsolidators upang maiwasan ang panloloko sa mga OFW.

Isa rin sa kanyang suhestiyon ang pagtatalaga ng special lane upang mapabilis ang pagdating ng mga Balikbayan Boxes sa kanilang destinasyon sa Pilipinas.

Patuloy na pinag-aaralan ng Bureau of Customs ang mga mungkahing hakbang upang tugunan ang problemang ito at tiyakin ang maayos na paghahatid ng kargamento ng mga OFW.

You may also like

Leave a Comment