Naging ganap nang bagyo ang low pressure area (LPA) na namataan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at pinangalanang tropical depression ‘Crising’.
Ayon sa PAGASA, namataan ang sentro ng bagyong Crising sa silangang bahagi ng Catanduanes. Kaakibat nito ang bantang pag-ulan at pagbugso ng hangin sa ilang rehiyon sa bansa.
Bunsod ng hanging habagat, asahan ang malalakas na pag-ulan at hangin sa mga sumusunod na lugar:
- Bicol Region
- Eastern Visayas
- Palawan
- Occidental Mindoro
- Antique, Iloilo, Guimaras
- Negros Occidental at Negros Oriental
- Zamboanga del Norte
Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslide, lalo na sa mga lugar na dati nang binabaha o may malalambot na lupa.

Patuloy na minomonitor ng mga awtoridad ang galaw ng bagyong Crising sa PAR, at inaasahang magdadala pa ito ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa sa susunod na araw.