Home » Alex Eala Ends French Open Campaign Strong

Alex Eala Ends French Open Campaign Strong

by GNN News
0 comments

Pormal nang nagtapos ang debut campaign ni Filipina tennis star Alex Eala sa 2025 French Open, matapos ang kanilang pagkatalo sa second round ng women’s doubles sa Roland Garros.

Kasama ang kanyang doubles partner na si Renata Zarazua ng Mexico, sina Eala ay natalo ng kombinasyong Anastasia Potapova ng Russia at Olga Danilovic ng Serbia sa score na 1-6, 3-6. Bagamat hindi na umusad sa ikatlong round, hindi matatawaran ang kasaysayang iniwan ni Eala sa tournament na ito.

Sa edad na 20, si Alex Eala ang unang Pilipino na nakapanalo ng laban sa main draw ng isang Grand Slam tournament, isang napakalaking milestone para sa tennis sa Pilipinas. Ito ay matapos nilang talunin nina Eala at Zarazua ang team nina Emily Appleton ng Great Britain at Yvonne Cavalle-Reimers ng Spain sa unang round.

Samantala, bumaba ng apat na pwesto sa WTA rankings si Eala, mula sa kanyang highest career rank na 69, ngayon ay nasa rank number 73. Gayunpaman, patuloy ang suporta ng mga Pilipino sa kanya, lalo na’t nagbigay siya ng bagong pag-asa at inspirasyon sa larangan ng tennis para sa bansa.

You may also like

Leave a Comment