Bigo man sa laban kontra kay Magda Linette ng Poland sa round of 32 ng Nottingham Open, tuloy ang laban ni Alex Eala sa qualifiers ng Eastbourne Open sa Great Britain ngayong weekend.
Ayon sa kanyang ama na si Michael Eala, layunin ng 20-anyos na tennis sensation na gamitin ang kompetisyong ito bilang paghahanda sa Wimbledon 2025, isa sa pinakatarget niyang torneo ngayong taon.

Matatandaang natalo si Eala sa nakaraang Wimbledon campaign kontra kay Lulu Sun ng United Kingdom, kaya’t mas determinado siyang magpakitang-gilas at bumawi ngayong taon. Ang pagsali sa Eastbourne Open ay bahagi ng kanyang buildup strategy upang mapataas ang kanyang kumpiyansa at kondisyon sa larangan.
Sa kabila ng hindi magandang resulta sa Nottingham, patuloy ang suporta ng mga Pilipino sa kampanya ni Eala bilang isa sa mga pambato ng bansa sa international tennis scene.