Home » Senate Leadership Set for 20th Congress

Senate Leadership Set for 20th Congress

by GNN News
0 comments

Pormal nang nanumpa ang labindalawang senador, kabilang ang mga bagong halal, para sa pagbubukas ng 20th Congress ngayong Lunes, Hulyo 28. Matapos ang panunumpa ay agad na isinagawa ang botohan para sa bagong Senate President.

Senator Francis “Chiz” Escudero ang unang itinalaga sa pamamagitan ng nominasyon nina Senator Joel Villanueva, Senator Sherwin Gatchalian, Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, at Senator Raffy Tulfo.

Samantala, sina Senator Juan Miguel Zubiri at Senator Loren Legarda naman ang nag-nomina kay Senator Vicente “Tito” Sotto III bilang alternatibong kandidato. Gayunpaman, hindi tinanggap ni Sotto ang pormal na panunumpa at pinili na pamunuan ang minority bloc ng Senado.

Nauna nang nagpahayag si Senator Risa Hontiveros ng desisyong manatili sa minorya, anuman ang maging liderato nito. Habang sina Senator Bam Aquino at Senator Kiko Pangilinan ay umanib sa majority bloc, sumusuporta sa bagong pamunuan.

Para naman sa Senate President Pro Tempore, muling naihalal si Senator Jose Pimentel Ejercito Jr. (Jinggoy Estrada). Samantala, humalili bilang Chairperson ng Committee on Rules si Senator Joel Villanueva.

Ang bagong pamunuan ay inaasahang tututok sa mga pangunahing isyu ng bansa sa bagong kongreso, kabilang na ang reporma sa ekonomiya, digital transformation, at pagtiyak ng transparency sa pamahalaan.


You may also like

Leave a Comment