Home » MMDA magpapadala na ng NCAP SMS alert

MMDA magpapadala na ng NCAP SMS alert

by GNN News
0 comments

MMDA magpapadala na ng NCAP SMS alert
Inilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang karagdagang notification feature sa pamamagitan ng SMS para sa No Contact Apprehension Policy (NCAP) violations simula ngayong Lunes, July 7.

Layunin ng MMDA NCAP SMS notification na i-improve ang pagpapatupad ng NCAP sa Metro Manila sa pamamagitan ng real-time notification sa mga traffic violators gamit ang text message at email.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, malaking tulong ang SMS notification dahil makakatanggap ng abiso ang mga motorista kahit walang internet connection. Ito ay magbibigay daan sa mas mabilis na aksyon ukol sa kanilang paglabag sa batas trapiko.

Mariin ding paalala ng MMDA sa publiko na mag-ingat sa mga pekeng website. Tanging mayhulika.mmda.gov.ph lamang ang opisyal at lehitimong site ng programa ng NCAP.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na modernisasyon ng MMDA upang gawing mas epektibo at accessible ang serbisyo sa mga motorista at maiwasan ang abala sa mga hindi inaasahang traffic violations.


You may also like

Leave a Comment