Sa patuloy na pag-usbong ng upgraded technologies, layunin ngayon ng pamahalaan na i-upscale ang AI literacy ng Pilipino sa larangan ng labor force.
Sa ginanap na pulong sa Malacañang kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang Private Sector Advisory Council – Education and Jobs Sector Group, inilahad ang detalyadong plano para sa enterprise-based education at pagpapalawak ng kaalaman sa artificial intelligence.
Bahagi ng hakbang na ito ang pagpapalawak ng AI literacy ng Pilipino, upang maging mas handa ang mga manggagawa sa mga pagbabago sa teknolohiya at trabaho.

Kasama rin sa plano ng gobyerno ang pagpapahusay sa student work immersion program. Layunin nitong maagang ma-expose ang mga kabataan sa mga tunay na professional work environments, na magsisilbing tulay upang makibahagi sila sa paggawa at pagpapaunlad ng mga AI systems.
Ang inisyatibang ito ay inaasahang magdudulot ng mas matibay na ugnayan sa pagitan ng edukasyon, industriya, at pamahalaan, upang masiguro na ang bagong henerasyon ng Pilipino ay magiging globally competitive at makasasabay sa modernong panahon.