Sweet independence para sa ipinakitang gilas ng Alas Pilipinas Men’s Volleyball Team sa three-game friendly matches sa Invitational Tournament na ginanap sa Smart Araneta Coliseum kamakailan.
Sa patikim ng kanilang lakas, matagumpay na dinomina ng Alas Pilipinas ang mga koponan mula sa Indonesia, South Korea, at Thailand, isa-isang pinatikim ng kanilang solidong opensa at matatag na depensa.
Ito ay hindi lamang isang panalo kundi isang mensahe: handa na ang Pilipinas para sa mas matitinding laban sa nalalapit na 2025 FIVB Men’s Volleyball World Championships na gaganapin sa bansa sa darating na Setyembre 12.

Ang pagkakasunod-sunod ng tagumpay laban sa mga malalakas na Asian teams ay nagpapakita ng malalim na paghahanda at mas mataas na kumpiyansa ng pambansang koponan. Pinuri ng mga manonood at volleyball enthusiasts ang kahusayan ng Alas Pilipinas sa bawat laro, mula sa serving hanggang sa blocking, na tila ba nagpapahiwatig ng bagong era para sa men’s volleyball sa bansa.
Ang friendly sweep na ito ay isang mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng suporta ng sambayanang Pilipino para sa volleyball, lalo na’t inaasahang dadagsain ng mga tagahanga ang nalalapit na world championship.
Tiyak na magiging mas mainit ang pagtanggap ng Pilipinas sa mga banyagang koponan, at mas lalo pang aangat ang moral ng mga manlalaro dahil sa papalapit na pagsabak nila sa international stage.
F