Home » Kamara, Posibleng Tanggapin ang P100 Senate Wage Hike

Kamara, Posibleng Tanggapin ang P100 Senate Wage Hike

by GNN News
0 comments


Ibinunyag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na may planong i-adopt ng Kamara ang bersyon ng Senado kaugnay ng umento sa sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor.

Ang nasabing bersyon ng Senado ay naglalayong magbigay ng ₱100 dagdag sahod para sa mga minimum wage earners. Ito ay mas mababa kumpara sa ₱200 na panukala ng Kamara, na inulan ng tanong mula sa Senado dahil sa kakulangan nito ng sapat na pag-aaral at batayan.

Sa pagbuo ng bicameral conference committee nitong Martes, nilinaw ni Escudero sa ilang miyembro ng Kamara na hindi nila planong i-adopt ang House version dahil sa mga butas ng panukala. Aniya, walang malinaw na dokumento o pag-aaral na nagsasabing kaya ng ekonomiya ang ₱200 umento.

Gayunpaman, bagamat tila tanggap na ng Kamara ang Senate version, napuna pa rin ni Escudero ang kanilang kagustuhang talakayin pa ito sa bicam. Ayon sa kanya, tila may pag-aalinlangan pa ang Kamara sa pormal na pag-adopt ng bersyon ng Senado.

Patuloy pa ring pinag-uusapan ang magiging pinal na porma ng batas sa mga darating na araw, habang nakatuon ang pansin ng publiko sa magiging epekto nito sa mga manggagawa at negosyo.


You may also like

Leave a Comment