Home Ā» DICT, Nanawagan para sa Pagsugpo ng Cybercrime

DICT, Nanawagan para sa Pagsugpo ng Cybercrime

by GNN News
0 comments

Nanawagan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa mga content creator, ethical hacker, at civic group na makipag-ugnayan sa pamahalaan para sa pagsugpo ng cybercrime sa bansa.
Ang panawagan ay kasunod ng pagkakabunyag ng isang viral YouTube video na may pamagat na “Scammers Panic After Getting Hacked Live on CCTV,” kung saan inilantad ang isang operasyon ng scam hub sa Cebu.

Ayon sa DICT, malaking tulong ang kontribusyon ng digital citizens, partikular na ang mga may kasanayan sa teknolohiya, sa pagsusulong ng ligtas at mapanagutang paggamit ng internet.
Ang pagsugpo ng cybercrime ay hindi lamang responsibilidad ng pamahalaan kundi ng buong komunidad na gumagamit ng teknolohiya.

Pinuri ng isang cybersecurity advocacy group ang user na nagbahagi ng video, na anila’y naging mahalagang hakbang para maipakita sa publiko ang aktwal na galaw ng mga scam operation sa loob ng bansa.
Nagbigay inspirasyon ito sa mas maraming tech-savvy Filipinos na makiisa sa kampanya para labanan ang online scams, phishing, at iba pang anyo ng digital na panlilinlang.

Hinimok din ng grupo ang mga content creator na gamitin ang kanilang plataporma upang magbahagi ng impormasyon ukol sa cyber hygiene, digital rights, at tamang pag-uulat ng mga kahina-hinalang aktibidad online.

Naniniwala ang DICT na sa pamamagitan ng pagbubuklod ng pamahalaan, pribadong sektor, at digital community, mas mapapalakas ang kampanya para sa pagsugpo ng cybercrime.
Katuwang rin sa inisyatibang ito ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), na nakatuon sa pagsusuri at pagbuwag ng mga organisadong cybercriminal networks sa bansa.

You may also like

Leave a Comment