Home » Pre-shaded Ballot Election 2025, Inirereklamo ng Botante

Pre-shaded Ballot Election 2025, Inirereklamo ng Botante

by GNN News
0 comments

Sa kabila ng pahayag ng COMELEC na naging maayos at mapayapa ang halalan, ilang botante ang nagreklamo tungkol sa umano’y pre-shaded ballot election 2025, kung saan natuklasan nilang may mga bahagi na ng kanilang balota ang naka-shade bago pa man nila ito markahan.

Isa sa mga naitalang insidente ay naganap sa Guadalupe Nuevo, Makati City, kung saan ilang botante ang nagsumbong sa Board of Election Inspectors (BEI) matapos matuklasan na naka-shade na ang bahagi ng kanilang balota, partikular na sa section ng party-list.

Ayon sa mga BEI na naka-assign sa lugar, party-list lamang daw umano ang may markang naka-shade, subalit hindi ito agad tinanggap ng ilan sa mga botante na humiling ng kapalit na balota. Ang mga insidente ay itinuturing na seryosong usapin sa transparency at integrity ng eleksyon, lalo na kung hindi agad naaksyunan.

Katulad na insidente rin ang naitala sa Camarines Sur, kung saan ilang botante ang nag-ulat ng pre-shaded ballots sa kanilang presinto. Ayon sa ulat, ikalawang batch na ito ng mga botante sa lugar, kaya’t nagdulot ito ng mas matinding pag-aalinlangan. Agad namang pinalitan ang mga balota matapos ireklamo.

Ang mga ulats ng pre-shaded ballot election 2025 ay kasalukuyang iniimbestigahan ng Commission on Elections, at humihikayat ang ahensya sa publiko na agad i-report ang anumang kahina-hinalang pangyayari sa loob ng presinto. Nananatili ring aktibo ang mga election monitoring bodies upang masigurong tapat at malinis ang halalan.

Bagamat isolated ang mga insidente, mahalaga na matutukan ito upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa proseso ng eleksyon.

Para sa iba pang election reports at updates, tumutok sa GNN Halalan 2025.

You may also like

Leave a Comment